AKB, magbibigay din ng P200M para sa Masbate Sports Arena

Nangakong magbibigay din ng halagang P200M para sa Masbate Sports Arena si Ako Bicol Partylist at House of Representative Committee Chairman on Appropriations Zaldy Co.

Nagpasalamat naman si Masbate Gov Antonio Kho sa ngalan ng mga mamamayan ng Masbate.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Sa kasalukuyan, may kabuuang P800M na ang kontribusyon na mula sa pambansang pamahalaan habang ang P140M ay sasagutin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Masbate.

Una rito, tatlong senador ang nangakong magpopondo ng tig-P200M sa nasabing sports arena. Kinabibilangan ito nina Senators Chiz Escudero, Lito Lapid at Aquilino Pimentel III.

Read More:  Two Davao Mighty Steel workers test positive for high radiation exposure, NBI says

Nangako naman ng P300M ang Speaker of the House na si Martin Romualdez.

Sa impormasyon, ang sports arena na isang ‘state of the art’ na proyekto na may 4,000 -seating capacity ay nagkakahalaga ng P940M.