Klase sa 8 bayan sa Batangas, suspendido dahil sa vog

Dahil sa nararanasang volcanic smog, agad na nagsuspendi ng face-to-face classes ang mga bayan at lungsod dito sa Batangas at  mga karatig na lalawigan.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng San Jose, Balete, Ibaan, Balayan, San Nicolas, Calataga, Sta. Teresita, Talisay sa Batangas Province at Tagaytay City sa Cavite.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Suspendido naman ang face-to-face classes pero magpapatupad ng modular learning sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Calaca City, Batangas City, Agoncillo, San Pascual, Bauan, Lemery, San Luis, Alitagtag, Nasugbu, Rosario, Mataasnakahoy, Malvar, Lian, Tuy, Taysan, Lobo, Laurel, Padre Garcia, Taal, Tanauan City, Cuenca, Lipa City, San Juan, at Mabini.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Modular at online learning muna rin ang ipapatupad sa Calamba City, Sta. Rosa City, Cabuyao City at San Pedro City sa Laguna.

Samantala, hanggang senior high school lamang ang suspendido ang face-to-face classes sa Sto. Tomas City, Batangas.