Price cap sa bigas, gustong palawigin hanggang Oktubre

Inihayag ng Department of Agriculture na maaring ma-extend hanggang Oktubre ang itinakdang price cap sa bigas.

Ayon kay Undersecretary Domingo Panganiban, sinumite na ng ahensya ang rekomendasyon kay Pangulong Bongbong Marcos ngunit wala pang balita kung inaprubahan na ang panukala.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Maari raw itong manataili kahit sa pagsisimula ng harvest season o kahit na tumira sa P38 kada kilo ang retail price ng bigas,

Aniya, nanatili kasi kapaki-pakinabang sa mga mamimili ang price ceiling kaya’t maaring hindi pa ito maalis sa lalong madaling panahon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa kabila nito, wala pang desisyon kung makakatanggap pa rin ng cash assistance ang mga rice retailers kapag nagpatuloy ang price cap hanggang Oktubre.