Susunod na Senate hearing ng grupong SBSI., ipagpapatuloy sa bayan ng Socorro

Kinumpirma ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sa mismong bayan ng Socorro sa Surigao del Norte ang susunod na pagdinig ng kontrobersyal na Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Ayon sa senador, mas maraming babyahe pa-Maynila mula sa grupo kaya kakausapin nito si Senador Risa Hontiveros at iba pang myembro ng komite na doon na lang ganapin ang susunod na pandinig.

Dagdag pa nito, pagu-uusapan rin nila kung hanggang kailan mananatili ang apat na na-contempt sa Senado, kabilang si Jey Rence Quilario o mas kilala bilang “Senior Agila.”

Nang tanungin naman ito kung kakailanganin ng dagdag na seguridad ang Senado habang nananatili ang 4 na opisyal ng SBSI, sinabi nitong kakayanin naman ito ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *