BI, balak magtalaga ng mga AI bilang immigration officer

Balak ng Bureau of Immigration (BI) na gumamit ng artificial intelligence o AI sa mga proseso ng immigration para bumaba ang katiwalian sa ahensya.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, ang pagbibigay konsiderasyon sa AI ay hakbang sa modernization plan ng ahensya na ipapatupad sa 2024 o 2025.

Ginawang halimbawa niya ang Vancouver sa Canada na wala nang mga immigration counter sa departure.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sabi pa ni Tansingco, hindi ibig sabihin nito na ang mga AI immigration officer na ang magsasala sa mga pasahero.