DND, isinuslong na gawing Mandatory Military Training ang ROTC

Isinusulong ni Defenese Sec. Gilbert Teodoro Jr. ang pagpapalit ng pangalan ng panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps sa Mandatory Military Training.

Ayon kay Sec. Teodoro, Jr. mas maganda kung gawing military training na lang ang ROTC para hindi tumaas ang ekspektasyon ng mga bata.

Sabi pa niya na hindi lahat ay magiging opisyal dahil kailangan ng Pilipinas ng mas maraming sundalo.

Dagdag pa ni Teodoro, may iba’t ibang hanay ng kakayahan ang kailangan sa pagiging sundalo gaya ng computer science, engineering, international relations, at psychology.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *