Mga piloto, inabisuhan ng CAAP na huwag lumipad sa ibabaw ng Taal Volcano dulot sa aktibidad ng bulkan

Nagpalabas ng Notice to Airmen (NoTAm) ngayong araw ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay ng volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dito, pinapayuhan ang mga piloto na iwasan ang dumikit sa bulkan ng 10,000 feet.

Maaari umano magdulot ng malubhang pinsala sa mga sasakyang panghimpapawid ang ibinubugang airborne ash at ballistic fragments
ng bulkan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Magtatagal ang flight advisory hanggang alas-nuebe ng umaga bukas.