Nagsagawa ng bilateral sail ang Philippine Navy at Canadian Navy sa West Philippine Sea.
Nagsimula ang aktibidad sa pagtatagpo ng Navy guided-missile frigate na BRP Jose Rizal at Canadian Halifax-class frigate HMCS Ottawa sa bisinidad ng Malampaya Natural Gas Platform, kasunod ng pagsasagawa ng Officers of the Watch (OOWs) maneuvers.
Ang aktibidad ay kasunod ng unang joint sail sa pagitan ng Phil. Navy at U.S. Navy sa karagatan ng Palawan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, ipinapakita lamang nito ang commitment ng Pilipinas, United States, at Canada na itaguyod ang rules-based international order sa West Philippine at panatlihin ang isang bukas na Indo-Pacific region.