Market Monitoring Team ng Las Piñas, nag-ikot sa mga pamilihan

Walang katotohanan ang napapabalitang nagkakaubusan ng mga murang bigas sa mga pamilihan ng lunsod ng Las Piñas.

Ito ang pinatunayan ng Las Piñas Market Monitoring Team na nag-ikot-ikot sa mga local rice retailer ng naturang syuda.

Sa mga larawang ibinahagi ng pamahalaang lunsod ng Las Piñas sa kanilang facebook page makikita ang mga hilira ng murang bigas na sagot naman sa kumakalat na balita na nagkakaubusan na ng supply nito sa mga palengke.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga retailer ng bigas para masiguro na matugunan ang pangangailangan ng mga residente na naghahanap ng abot kayang presyo ng bigas.