Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng pagsabog ang Bulkang Taal sa Batangas kagaya ng pinangangambahan ng publiko matapos na magbuga ito ng volcanic smog o vog.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Jerome De Lima, Science Research Specialist ng PHIVOLCS, sinabi nito hindi pa rin naman nababago ang alert level ng nasabing bulkan.
Dagdag pa ni De Lima, dahil sa low humidity sa paligid ng Bulkan kung kaya may nakakapitan ang sulfur dioxide na ibinubuga nito na siyang tinatawag na vog na nasa dalawang linggo na ring nararanasan sa Tuy, Batangas.
Paalala ng Phivolcs, limitahan ang direktang exposure sa volcanic smog at gumamit ng N95 na face mask kung talagang kinakailangan na lumabas at uminom naman ng maraming tubig sakaling na kalanghap ng vog para lumuwag ang daluyan ng hangin sa katawan.