Lalaking itinuturing na rank 9 Most Wanted Person sa kasong carnapping sa Laguna, arestado na

Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang lalaking itinuturing na rank no. 9 Most Wanted Person sa Calamba City, Laguna matapos ang isinagawang manhunt operation.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Office, Officer-in-charge, Police Colonel Harold Depositar ang suspek na si alyas “Vincent”.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon sa inilabas na ulat ng hepe ng Calamba City Police Station, nahuli ang suspek bandang alas otso ng gabi sa Barangay Looc, Calamba City.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kumakaharap na rin ito sa kasong RA 10883 o Anti-Carnapping Act of 2016.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.