Anim, kabilang ang isang buntis na pinaniniwalaang NPA, patay sa engkuwentro Kabankalan

Patay ang anim na pinaniniwalaang kasapi ng NPA kasama na ang isang buntis sa enkwentro kagabi sa Barangay Tabugon, Kabankalan City.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada NewsFM Kabankalan, nangyari ang nasabing enkwentro sa gitna ng 47th Infantry Battallion at SYP Platoon, Southwestern Front ng CPP-NPA na tumagal ng 10 minuto.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Pahayag naman ni Division Public Affairs Officer, Lieutenant Colonel J-Jay Javines, na nakatangap sila ng report galing sa mga residente ng nasabing lugar na merong presensiya umano ng mga rebelde at nagsasagawa ng extortion.

Narekober sa lugar ng pangyayari ang apat na .45 pistol, isang hand grenade, isang .38 revolver at tricycle na siyang pinaniniwalaang sinasakyan ng mga namatay.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kinilala ang mga nasabing rebelde na sina Ka BRAVO/ PETER na siyang squad Leader, Ka GORING/ RICO na siyang Medic, Ka RECOY – Vice.Squad Leader, nang squad 3, Ka BRENDO/ KENNETH – Vice squad leader nang squad 2, at ka DIANE- asawa ni Ka BRAVO habang nanatili naman na unidentified ang isa pa.