China, itinangging sila ang sumira sa WPS corals

Itinaggi ng China ang mga alegasyon ng Pilipinas na ang mga Tsino ang may pananagutan sa pinsala sa mga korales sa West Philippine Sea.

Ayon sa spokesperson ng Ministry of Foreign Affairs ng China na si Mao Ning, walang katotohan ang paratang na ito.

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Dagdag pa ng tagapagsalita na kung talagang may malasakit ang Pilipinas sa kapaligiran ay dapat na alisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.

Read More:  Light Rail Manila Corp., clarifies water leak incident inside LRT-1 train

Naglalabas raw kasi ito ng maruming tubig sa karagatan kaya’t hindi na raw dapat hayaan ang kinakalawang na barko na nagdadala ng pinsala sa karagatan.