Coastal clean-up drive, isinagawa sa Calatagan, Batangas

Nagsagawa ng sabayang Coastal & Roadside Clean-up activity ang bawat barangay sa Calatagan, Batangas.

Ito ang kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Clean Up Day noong araw ng Sabado September 16, 2023.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Tulong-tulong nagwalis sa tabi ng kalsada at nagpulot ng mga basura sa gilid ng mga bakawan ang mga residente.

Layunin ng aktibidad na mapanatiling maayos at malinis ang kapaligiran sa naturang lugar.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu

Nagpapasalamat naman ang lokal na pamahalaang bayan sa mga nakiisa at nagbigay ng buong pusong partisipasyon sa naturang aktibidad na pinangunahan ng Menro Calatagan.