Small-driven plane sa airshow, bumagsak;  2 sakay nito  hindi na nakaabot pa sa ospital sa Hungary

HINDI na umabot sa ospital ang dalawang sakay ng bumagsak na small-driven plane o eroplano habang kritikal naman ang tatlong iba na laman ng isang kotse na malapit sa pinagbagsakan nito matapos ang isang airshow sa Central Hungary. 

Namataan na habang lumilipad ang eroplano, hindi na normal ang paggalaw nito at tuluyan na nga itong sumiklab na naging mitsa ng pagkakasawi ng piloto nito, 67 anyos at isang pasahero, 37 anyos.

Read More:  France to deploy more police amidviolent protests

Nadamay rito ang tatlong sibilyan na nagtamo ng matinding lapnos at kaagad namang isinugod sa ospital.

Read More:  Pope Leo XIV needs no further cancer treatment after lung surgery

Ikinalungkot naman ito ni András Cser-Palkovics, ang alkalde ng kanilang munisipalidad na sinabing nauwi sa trahedya ang mahal na araw ng kaniyang mga kababayan.

Agad namang itinigil ang nasabing airshow matapos ang naturang akdsidente. ### Johnoah Mae A. Zepeda, Intern