Tatlong mangingisda, huli sa paggamit ng “bongbong” sa Rizal

Arestado ng Rizal PNP ang tatlong mangingisda sa dagat ng Sitio Cadawan, Brgy.Taburi Rizal Palawan, nitong Sabado, ika- 9 ng Setyembre.

Ito ay matapos ilang mahuli sa akto na nangingisda gamit ang improvised na dinamita o “bongbong”.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang mga naaresto ng Rizal PNP sa pangunguna ni PMAJ THIRZ STARKY B. TIMBANCAYA ay sina Jonel Cullang Muhamad @ Nel, 38 anyos,Abemail Abayon Agustin @ Abe, 32 anyos at si Adbul Herson Cerin Jaladin @Bitot,19 anyos.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kinumpiska sa kanila ang mga ebidensya tulad ng plastic bottles, bangka at mga isdang nahuli.

Nilabag umano ng mga ito ang Republic Act 10654 (Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing)  at ang Republic Act 9516 ( The Philippine Fisheries Code of 1998).