Pangulong Marcos, nagpaliwanag sa pagtatakda ng price cap sa bigas

Naka alis na si Pangulong Bongbong Marcos patungong Jakarta, Indonesia.

Sa departure speech ng Pangulo kanina, nagpaliwanag ito hinggil sa ipatutupad na Executive Order no. 39.

Ayon kay Marcos, napilitan silang mag takda ng price ceiling dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, bunsod ng mga rice hoarders at smugglers.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Nabanggit din ng Pangulo na gumagawa na ngayon ng listahan ang Department of Trade and Industry ng mga rice retailers na maaapektuhan ng price cap, para sa ayuda na ibibigay sa mga ito.

Sa huli sinabi ng Presidente na huwag mag alala sa bagong sistema na kanilang ipinatupad, dahil unang una pansamantala lang anya ang price cap, at may ibibigay na tulong sa mga rice retailers para mabawi ang kanilang magiging lugi.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala muli ring tiniyak ng Pangulo na kahit sa Indonesia sila sa mga susunod na araw, patuloy pa rin anya nilang tututukan ang issue ng bigas.