LEGAZPI CITY – Pumalo sa humigit-kumulang 25,000 o 25,559 ang bilang ng mga nagsipag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa lalawigan ng Albay para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay COMELEC Albay Provincial Officer Atty. Ma. Aurea Bo-Bunao, sinabi nito na sa huling araw ng pagsusumite ng COC, mas komonti ang bilang nito.
Sa datos, umabot sa 1,654 ang nag-file sa kategorya ng punong barangay; 12,709 sa barangay kagawad; habang 1,650 sa SK Chairman at 9,546 sa SK Member.
Ayon kay Bonao, posibleng dahilan sa mataas na bilang ng mga nag-file ay ang napabalitang mataas na sahod sa barangay, ngunit nilinaw niyang wala pang inaprubahang batas ukol dito.
Isa pa umano sa mga dahilan ay nais na sigurong mapalitan ang ilang mga opisyal dahil sa naging performance nito sa ilang taon.
Panawagan niya, seryosohin ang pagtakbo at ibigay ang puso sa pagsilbi.