Senador, tiwalang makatutulong ang military training sa paghubog ng disiplina lalo na sa mga kabataan

Naniniwala si Senador Robin Padilla na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng military training sa paghubog ng disiplina sa mga mamamayang Pilipino lalo na sa mga kabataan ngayon.

Kaugnay nito, umaasa siyang magiging halimbawa sa mga kabataan ang kabayanihan ng Scout Rangers ng Philippine Army upang yakapin nila ang military training at sundin ang yapak ng mga ito.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag pa niya, hindi sapat na “keyboard warrior” o sa TikTok lang magagaling ang mga kabataan ngayon dahil ang kailangan ng bansa ay isang indibidwal na kayang ibigay ang kanyang sarili para sa bayan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Umaasa naman din si Padilla sa pagkakaroon ng mandatory military service para sa mga kabataan sa darating na panahon.