Retailer ng bigas na di susunod sa price ceiling, hinimok ni PBBM na isumbong sa pulis

Pinatitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos na masusunod ang ipinalabas na price ceiling sa presyo ng bigas.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Palawan, sinabi nitong inatasan na nya ang Department of Agriculture, DTI, pati na ang Department of Justice na ituloy ang pagsasagawa ng regular inspection.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Hinimok rin ng Pangulo ang publiko na isumbong sa pulis ang mga retailer na hindi susunod sa itinakdang price ceiling.

Sinabi rin ng Pangulo na mas pagtutuunan ng pansin ang National Capital Region sa pagpapatupad ng price cap.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Mababatid na inaprobahan kahapon ng Pangulo ang Executive Order no.39 na nagtatakda ng price cap sa regular milled rice na 41 pesos kada kilo, habang 45 pesos naman sa kada kilo ng well-milled rice.