Kaligtasan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng sakit lalo na sa Dengue pinatitiyak ng PHO sa mga eskwelahan

CAMARINES NORTE- Pinatitiyak ng Provincial Health Office sa mga school head at guro ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante sa pagbabalik eskwela.

Ito ay sa harap na rin ng posibleng mga sakit na dumapo sa mga bata lalo na ang dengue lalo’t sasapit na naman ang “ber months”, ang panahon kung kailan madalas ang ganitong sakit dahil sa mga pag- ulan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, tiwala siya sa kahandaan ng mga eskwelahan lalo’t nakita naman umano niya kung paano pinaghandaan ng mga ito ang pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng Brigada Eskwela.

Hinimok ni Francisco ang mga eskwelahan na gawin ang 4 o’clock habit, panatilihin ang kalinisan at siguruhing walang pwedeng pamugaran ang lamok.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kung maalala ay pangalawa ang Camarines Norte sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa Bicol region noong September 2022.

Nagpaalala rin si Francisco na dapat walang junk foods at processed food na  ibinibenta sa mga  school canteen  dahil masama ito sa kalusugan lalo na ng mga bata.