Chot Reyes, nakatanggap ng “booing” sa pagkatalo ng Gilas

Nanatiling wala pa ring panalo ang Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup matapos ang pagkatalo nito sa Italy kagabi, na may final score na 90-83.

Ngunit bago isagawa ang laro, nakatanggap agad ng “booing” ang head coach na si Chot Reyes sa team lineup announcement, sa kabila ng palakpakan at hiyawan sa mga players.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Agad naman itong dinepensahan ng mga Gilas players na sina Rhenz Abando at Jordan Clarkson.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Ayon kay Abando, lahat ng tao nagkakamali at hindi ito ang oras para sa sisihan, habang saad naman ni Clarkson, “weird” ang pagbu-boo kay Reyes.

Isasagawa naman bukas ang laro ng Gilas sa kanilang unang classification match sa Araneta Coliseum.