So.Cot, walang ‘areas of grave concern’ sa BSKE

KORONADAL City- WALANG ‘areas of grave concern’ o mga lugar na nasa red category ang lalawigan ng South Cotabato kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections (BSKE).

Ito ang inihayag ni Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada batay sa isinagawang security briefing ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC) na binubuo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Comelec at iba pang stakeholders.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon kay Gerada na nananatiling mapayapa ang South Cotabato at walang dapat ipag-alala ang mga botante at kandidato.

Ngunit inihayag nito na may mga lugar na maituturing na ‘areas of concern’ lalo na sa far flung areas. Kabilang sa mga ito ang Barangay Tudok sa TBoli at Barangay Ned sa Lake Sebu.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nilinaw ni Gerada na inilagay ang mga ito sa ‘areas of concern’ dahil sa layo nito at malapit sa boundary ng ibang lalawigan at hindi dahil sa kaguluhan.