5 arestado sa Metro Manila matapos lumabag sa gunban

Lima katao ang arestado sa Metro Manila matapos makumpiskahan ng baril sa mga inilatag na checkpoints kasabay ng pag-uumpisa ng election period at gun ban para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ayon kay NCRPO Director, PBGEN Jose Melencio C Nartatez Jr., sa kabila nito, wala pa raw natutukoy na election areas of concern ang pulisya sa Metro Manila.

Magsasagawa pa sila ng pre-assessment pagkatapos ng filing ng Certificate of Candidacy sa Sabado.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Batay naman aniya sa mga datus, hindi magulo o wala naman naitatalang marahas na insidente na may kinalaman sa eleksyon sa NCR kung titingnan ang mga idinaos na halalan noong mga nakaraang taon.