Paglagda sa apat na importanteng panukalang batas, wi-nelcome ng Senado

Naniniwala si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na magkakaroon ng direktang benepisyo sa mamamayang Pilipino ang nilagdaang panukalang batas kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa senador, malaki ang maidudulot na kaginhawaan at kaunlaran ng pagsasabatas ng RA 11958 o “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans, RA 11960 o “OTOP Philippines Act”, RA 11961 o “”An Act Strengthening the Conservation and Protection of Philippine Cultural Heritage”, at RA 11959 o “Regional Specialty Centers Act”.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kaugnay nito, ipinaabot ni Zubiri ang pasasalamat niya sa Pangulo at iba pang kasamahan niyang senador sa pagbuo ng mga batas na makatutulong sa bawat pangangailangan ng iba’t ibang mamamayan.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Dagdag pa niya, makaaasa ang taumbayan na magpapasa pa sila ng iba pang batas na makatutulong sa pamumuhay ng bawat isa.