Nag-amok na retired police – tinanggalan na ng lisensya ng baril

Ni-revoke na ng PNP Civil Security Group ang License To Own and Possess Firearm (LTOPF) at Firearm Registration (FR) and Permit To Carry Firearms Outside Residence ng retiradong pulis na sangkot sa pananakit at panunutok ng baril sa isang siklista sa Welcome Rotonda sa Quezon City kamakailan.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Sa pahayag na inilabas ng PNP CSG ngayong araw, binawi ng Firearms and Explosives Office ang LTOPF, Firearm Registration at PTCFOR ng nasasangkot na si Wilfredo Gonzales.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP PIO Chief PBGen. Redrico Maranan na base sa kanilang recorsld, mayroong tatlong pistolang baril si Gonzales.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Sabi ng PNP CSG, magsisilbing paalala sa lahat ng mga license gun owners na napakahalaga na maging responsableng sa paggamit nito sa lahat ng oras.