Evacuees sa Guinobatan, Albay mula sa isa pang barangay na nasa labas din ng 6km PDZ ng mayon, hindi pa pinahintulutang i-decamp; MDRRMO, may paliwanag

LEGAZPI CITY – Hindi pinahintulutang i-decamp ang mga Mayon evacuees na mula sa Brgy. Maninila, bayan ng Guinobatan, Albay na hindi rin sakop ng 6 kilometers permanent danger zone ng bulkan.

Kahapon kasi ay una nang dinecamp ang mga barangay ng Tandarora at Muladbucad Grande na parehong nasa labas ng PDZ ngunit naiwan ang Brgy. Maninila.

Read More:  107 residents evacuate after Taal volcano eruption triggers ashfall in Batangas

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Guinobatan Municipal Disaster Risk Reduction and Manangement Office (MDRRMO) head Joy Maravillas, sinabi niya na ang Brgy. Maninila kasi ay nakapalaman sa dalawang gullies ng bulkan.

Sakali umanong maputol ang dalawang daan dahil sa banta ng bulkan, magiging mas delikado ito.

Read More:  Ashfall, sulfur odor reported in parts of Negros after Kanlaon eruption

Aniya, dahil dito ay napagpasiyahan nilang huwag munang pauwiin ang mga pamilya mula sa nasabing barangay.

Samantala, pagtitiyak ni Maravillas, magiging ligtas naman ang pinauwing mga pamilya sapagkat ang decampment order naman ay nakabatay sa rekomendasyon ng APSEMO at PHIVOLCS.