BuCor, iginiit na walang mass grave sa NBP; findings ng ahensya, winelcome naman ng DOJ

Nanindigan si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na walang mass graves sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Catapang, walang mga bangkay o negatibo sa human remains ang tatlong septic tanks sa loob ng NBP.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Dahil dito ay naisumite na umano nila sa Department of Justice at Kongreso ang kanilang report na naresolba na ang naturang issue.

Nang hingan naman ng pahayag si Justice spokesperson Mico Clavano, sinabi nitong hindi na sila nag-aalala dahil wala naman pala silang ganoong klaseng problema.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Samantala, umaasa si Clavano na magpapatuloy lang ang mga reporma sa bansa, at inaasahan din nila ang mas mabuting kinabukasan para sa mga Pilipino.