Ombudsman, inirekumenda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng PS-DBM na sangkot sa kontrobersya ng Pharmally

Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman ang dating mga opisyales ng Department of Budget and Management (DBM) at ng procurement services nito, ‘o ‘yung PS-DBM.

Hinggil ito sa ma-anomalyang pagbili ng Gobyerno ng P4.16Billion na halaga ng RT-PCR kits kasama ang Pharmally.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Sa utos ng Ombudsman, inirekumenda ang pagkaso ng tatlong counts ng graft laban kay dating PS-DBM chief Christopher Lao, Warren Liong, Paule Jasper de Guzman; pati na rin ang mga opisyal ng Pharmally na sina Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine Garado, at Huang Tzu Yen.

One count naman ng graft ang pinakakaso sa iba pang PS-DBM officials na sina Christine Marie Suntay, Webster Laureñana, August Ylagan, Jasonmer Uayan, at isa pang empleyado ng Pharmally na si Krizle Grace Mago.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Kung maaalala, naungkat ang naturang kontrobersya sa imbestigasyon ni dating Senate Blue Ribbon Committee chairperson Dick Gordon matapos malamang overpriced ang biniling mga COVID supplies ng Gobyerno.