Menor de edad – patay matapos pumailalim sa truck ang sinasakyang motorsiklo sa Hamtic, Antique

Dead-on-the-spot ang pitong taong gulang na bata na kinilalang si alyas “Phil” matapos Madisgrasya ang sinasakyang motor, at naapakan ng 14- wheeler truck sa Villavert- Jimenez (Guinsang-an) Hamtic, Antique.

Sa panayam ng Brigada News FM Antique kay PSSg. Rymyr Mabaquiao, imbestigador ng Hamtic Municipal Police Station, ipinahayag nito na backrider ang bata sa motor na minamaneho ng kanyang 63 taong gulang na lolo na kinilalang si Felimon Cordova at residente ng nasabing barangay na pinangyarihan ng insidente.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Dagdag pa ni Mabaquiao, kasunod ng motor ang truck ng nakabangga sa aso ang motor at nawalan ng control ang driver, at hindi naman napigilan ng driver ng truck na kinilalang si Jorly Delapeña y Abaño, residente ng Pres. Roxas, Capiz na mabangga ang motor na naging rason sa pagkatumba at pumailalim ito sa nasabing truck.

Ayon pa sa opisyal, walang helmet ang mag lolo ng mangyari ang insidente.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Napag-alaman na patungo sana sa bayan ng laua-an ang cargo truck na may dalang semento upang mag deliver at patungo naman sa guinsang-an proper ang motor mula sa Brgy. Banbanan.

Sa ngayon under observation pa ang lolo ng biktima matapos magkaroon ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan habang nasa custodial facility naman ng hamtic MPS ang suspek at mahaharap sa kasong Reckless imprudence resulting to homicide and serious physical injury and damage to property.