Motor sumalpok sa nakaparadang truck, driver patay!

KORONADAL CITY- PATAY ang driver matapos bumangga ang motorsiklong minamaneho nito sa nakaparadang truck sa National Highway, Barangay Dumadalig, Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ang driver na si Kandrif Vonn Almedralejo, pansamantalang nakatira sa Koronadal.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon sa Tantangan PNP nangyari ang aksidente alas-5 ng umaga kanina kung saan sumalpok ang motorsiklo ng biktima sa nakaparadang sasakyan sa gilid ng daan.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Napag-alaman na pupuntuhan sana ng biktima ang kanyang mag-ina sa Matalam, North Cotabato.

Sa ngayon nasa South Cotabato Provincial Hospital pa ang bangkay ng biktima.