𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗜𝗚𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘 𝗕𝗨𝗬𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Inaasahan ngayong linggo na ilalabas na ang resolusyon ng Commission on Election hinggil sa “Kontra Bigay” para matugunan ang problema sa vote buying.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Election Officer Atty. Christopher Thiam, darating aniya ang panahon na ang checkpoint ay hindi na lang para sa gun ban kundi pati na rin sa “Kontra Bigay”.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kaugnay nito, nilinaw din ni Atty. Thiam ang dapat gastusin ng kandidato sa isang registered voter.

Dapat ay hindi tataas aniya sa limang piso ang dapat ilabas ng mga kandidato.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nagpahayag din ang City Election Officer ng kaniyang mensahe para sa mga tatakbo ngayong halalan 2023.

Panatilihin aniya ng mga kandidato na maging mahinahon at wag mag-away away para ang resulta ng halalan 2023 ay may kredibilidad at makatotohanan.