Magsisimula na ang pagsusumite ng mga Certificate of Candidacy para sa Barangay and SK Elections sa lunes, August 28.
Bilang paghahanda rito ay nagsagawa ang COMELEC Region 2 ng isang forum para mapag-usapan ang iba’t ibang “gray areas” ngayong election kamakailan.
Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa City Election Officer ng Cauayan City na si Atty. Christopher R. Thiam, mayroon din aniya na bagong feature ang COC.
Sa likod aniya ng COC ay mayroon nang nakalagay na name of substitute spouse.
Paliwanag ni Atty. Thiam na kapag may nangyari na hindi maganda sa aspirant ay maaaring i-substitute siya ng kaniyang asawa kung idineklara niya ito sa likod ng COC.
Maaaring mag-sumite ng COC ang mga nagnanais tumakbo ngayong eleksiyon mula August 28 hanggang September 2.
Magaganap naman ang campaign period sa October 19 hanggang 28 at nakatakda naman ang halalan sa October 30.