Special elections para sa nabakanteng posisyon ni dating Cong. Teves, posibleng gawin sa Disyembre ayon sa COMELEC

Hinihintay pa ng Commission on Election (COMELEC) ang resolution mula sa Kongreso na nag-aatas na magkarron ng special election sa nabakanteng position ng napatalsik na kongresista ng 3rd District ng Negros Oriental na si Arnolfo Teves Jr.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa panyam ng Brigada NewsFM kay COMELEC Chairperson George Garcia, sinabi nitong wala pa silang pormal na sulat na natatanggap mula sa House of Representatives bagaman aminado ang opisyal na hindi talaga ito kakayanin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Nilinaw din ni Garcia na hindi basta-basta ang special election kaya kailangan nila ng sapat na oras at pondo para dito.