DA, walang kongkretong plano sa P20 kada kilo na bigas

Umamin ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na wala silang  kongkretong plano kung paano maipapatupad ang pangakong P20 kada kilo na bigas noong kampanya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Read More:  Southwest Monsoon season officially ends — PAGASA

Ayon kay Deputy Minority Leader Mujiv Hataman, hindi napag-usapan sa DA na gawing P20 ang kada kilo ng bigas.

Aniya, sa panahon ngayon ‘medyo’ mahirap abutin ang pangako ng Pangulo.

Read More:  Sara Duterte reveals mother’s push for Baste’s national bid

Kung maaalala, target ng pamahalaan na maging 97% rice sufficient ang bansa sa 2028 na nakatakdang pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.