Mga pasyenteng nakararanas ng Covid-like symptoms dapat na kusang loob na magpasuri at mag-isolate

SORSOGON CITY – Hinikayat ni contact tracing team leader Francis Ranola ang mga indibidwal na nakakaramdam ng mga sintomas ng Covid-19 tulad ng ubo, sipon lagnat at iba pa na agad nang magreport ang mga ito sa mga kinauukulan at huwag nang hintayin pa na makumpirma na positibo sila sa nasabing sakit bago ito gawin.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sinabi pa nito na lubhang mahalaga ang kusang loob na pagsumite ng kanilang mga sarili sa mga medical health workers dahil para rin ito sa seguridad hindi lamang ng publiko kundi maging ng kanilang mga pamilya at sarili.

Aniya, nakagagawa na kasi ng mga paunang hakbang tulad ng pag-contain na sa mga possible contact ng pinaghihinalaang Covid-19 positive kung kaya sakaling magpositibo man ang pasyente ay wala na ang banta na magkalat at makahawa pa ito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Una rito sinabi ng opisyal na ang mga pasyenteng mayroong covid-like symptoms ay ‘probable’ sa nasabing sakit.