Kartel, dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas – AGAP partylist

Naniniwala si AGAP Partylist Representative Nick Briones na may kartel sa bigas.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Congressman Briones, sinabi nito na matagal naman nang may kartel sa bigas, kagaya rin sa iba pang produktong pang-agrikultura.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, hindi malayong mangyari sa presyo ng bigas ang nangyari noong nakaraang taon sa presyo ng pulang sibuyas.

Posible aniya na may mga umiipit na traders kung bakit rin kumokonti ngayon ang suplay, na siya namang dahilan ng pagtaas ng presyo.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Una nang sinabi ni Briones na ang kakulangan sa suplay ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Na ayon pa sa kanya, masyadong umasa sa pag-aangkat ang Pilipinas noon, kaya ngayong wala na masyadong ma-import, nagkukulang ang suplay sa Pilipinas.