Organizer ng kontrobersyal na First Gubat Motourista Challenge nag-execute ng affidavit

Personal na pumunta sa himpilan ng Pulisya ang organizer ng First Gubat Motourista Challenge na si Jay-Jay Arimado Sarmiento para sa kanyang Affidavit tungkol sa pinupukol sa kanya ng mga motorcycle riders na ‘scam’ na endurance challenge.

Sa Affidavit ni Sarmiento na may residence address na Sitio Aropag, Brgy Ariman, Gubat, Sorsogon, inamin nito ang pananagutan sa umano’y nawalang pera na aabot sa P622,800 pesos na mula sa 1,800 pesos na registration fee ng mga participants.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon pa sa affidavit ni Sarmiento, Agosto 10, 2023 nang sinubukan n’yang mag transfer ng pera mula sa kanyang BDO account patungong Metbank ATM sa lungsod ng Sorsogon pero hindi umano nito na kumpleto ang transaksyon at kinain o hindi agad naibalik sa kanya ang kanyang ATM card mula sa ATM machine na kanyang pinag-withdrawhan sana.

Ilanga raw ang nakalipas, muli umano itong nag check sa kanyang BDO account pero wala na ang pera, ayon kay Sarmiento, may nag-withdraw umano noong Agosto 14 sa Lucena, Quezon mula sa kanyang account.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na gaganapin sana ang 1st Gubat Motourista Challenge nitong Sabado, Agosto 19 pero naunsyami ito dahil sa umanoy pang- iiscam ng organizer.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada News, bukas, araw ng Martes ay magsasampa ng kaso ang mga co-organizers laban kay Sarmiento.