1 NPA patay sa engkwentro sa Camarines Sur

NAGA CITY- 15 minutong palitan ng putok ang nangyari sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng gobyerno sa Ragay, Camarines Sur, nag resulta ito sa pagkasawi ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).

Sa ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army nangyari ito bandang alas 9:45 sa Barangay Salvacion kung saan nag responde ang mga miyembro ng 81 infantry battalion pati ang pulisya  sa sumbong sa lugar hanggang sa nauwi sa engkwentro, patay si  Alyas “Bebot”.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Narekober ng isang M16 riffle, 9mm pistol at iba pang mga personal na gamit pati mga bala.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nagpaabot ng pakikiramay ang 9th Infantry Division sa kaanak ng napaslang na NPA.

Ayon kay DPAO Chief Major. Frank Roldan, pinagpapasalamatan nito ang kooperasyon ng mga residente. Para naman sa mga miyembro ng CTG sana aniya ay sumuko na dahil hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay.