Phil Army sa Bicol, naghahanap ng 800 bagong sundalo

Patuloy ang recruitment ng aabot sa 800 bagong sundalo ng 9th Infantry Division sa taong ito bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang pwersa.

Sinabi ng hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) na si Maj Frank Roldan, na ang patuloy na recruitment ay upang mabigyan ng daana ng mga kwalipikadong kalalakihan at klababaihan na magkaroon ng pagkakataong maglingkod sa bansa.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon pa dito, nagtalaga sila ng screening at registration areas na kinabibilangan ng SM Legazpi City, Sorsogon State University at sa kanilang satellite office sa Camp Martillana sa Pili CamSur.

Ang mga papasa at magkakaroon ng benepisyo katulad ng healthcare, pribilehiyo sa billeting at pabahay, leadership, skills training, libreng medical at dental services, seguridad sa trabaho na may mataas na kompensasyon na makatutulong sa kanilang pamilya.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Inanyayahan ni Roldan ang mga interesadong maging sundalo sa Philippine Army na i-browse lang sa internet ang Philippine Army website para sa mga detalye o kaya’y magtungo sa pinakamalapit na Army base sa kanilang lugar.