Netizens, pinaalalahanan ng pulisya na suriing maigi ang ipo-post at share sa Social Media

CAMARINES NORTE – Nagbabala muli ang pamunuan ng Camarines Norte Police Provincial Office sa publiko na maging mapanuri at maghinay-hinay sa pagpost at pag-share sa internet.

Kasunod ito nang impormasyong nakarating sa kanila na muli na namang ipinakakalat sa social media ang ilang litrato ng problema noon ng isang opisyal sa lalawigan.

Ayon kay Camarines Norte Police Provincial Director PCol. Julius Guadamor, matagal nang tapos ang isyu, kaya malisyoso umano ang muling paglitaw nito gamit ang tila bagong gawa pa lang na bogus o kahina-hinalang Facebook page at personal Facebook account.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ani Guadamor pinulong na niya ang cybercrime unit ng CNPPO para mag-imbestiga dahil kahit aniya gumamit ng fake account ay kaya na ngayon malaman kung saan nagmula ang gumamit at nag crate ng fake account.

Dagdag nito na madali nang matukoy ang may-ari ng mga kahina-hinalang social media account o page dahil gumagamit na ng modernong paraan ang PNP sa pagtugis sa kanila.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Identity theft at cyber libel na paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang posibleng isampang kaso laban sa matutukoy na may-ari ng Facebook page o Personal Facebook account. Maaari anyang pagmultahin ng di baba sa P50,000 at makulong ng mula 8 hanggang 10 taon ang sinumang mapapatunayan lumabag sa Cybercrime Prevention Act.