Kakulangan ng mga silid sa isang paaralan sa Presentacion, Camarines Sur, problema pa rin

NAGA CITY – Problema pa rin para sa isang pampublikong paaralan sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur, ang kakulangan ng mga silid-aralan.

Sa 25 kasing section sa Presentacion National High School pa lang, 22 lamang ang ginagamit na silid kung saan kulang na kulang. Inaasahan pa ang pagdagdag ng mga estudyanteng magpapa-enroll at papasok maging sa kanilang Annex na Baligyan High School.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Sa panayam kay Ronelle San Beunaventura, Learner Information System Coordinator sa naturang paaralan, sinabi nitong may kasalukuyan namang pinapatayo kaya lamang ay hindi pa maaaring magamit ngayong pasukan dahil sa kakulangan ng materyales na galing sa Parents-Teachers Association. Pagdating din sa bentilasyon ay nilalakad na rin ng Presentacion Alumni Association.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Nailapit na rin nila ito sa Lokal na Pamahalaan kaya lamang ay sa ngayon imposible pang makapagpatayo, ngunit tuloy naman ang pagbibigay ng suporta at asistensya lalo na sa iba pang pangangailangan ng paaralan.