CAAP, kinumpirmang patay na ang dalawang sakay sa Cessna 152

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na patay na ang dalawang sakay ng Cessna 152 na sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo at ang student pilot na isang Indian national na si Anshum Rajkumar Konde.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Kaugnay rito, natagpuan na ang mga labi ng dalawang pasahero ng eroplano sa Brgy Salvacion, Luna, Apayao.

Nakuha ng Cagayan search and rescue team ang bangkay ng piloto at estudyanteng piloto bandang tanghali, kahapon.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa ngayon, nabigay na ang labi ni Tabuzo sa kanyang pamilya; habang ipinoproseso pa ang bangkay ni Konde, at nakatakdang dalhin ito sa Indian embassy.