Sports director ng isang kilalang Universidad sa Naga City, nabiktima ng pananalisi; cash at gadget natangay!

NAGA CITY- Nag-almusal lamang pagbalik wala na ang laptop at cash.

Ito ang nangyari sa isang Sports Coordinator ng isang kilalang unibersidad sa Naga City.  Sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ito bandang alas 8:58ng umaga kahapon sa University of Nueva Caceres. Nag-almusal ang biktimang si Miguel Guztavo Perez residente ng Magarao Camarines Sur, pagbalik wala na ang back pack nito laman ang laptop na nagkakahalaga ng P30K at cash na P40K. Pati ang susi ng mamahaling sasakyan, powerbank, hard drive at ilang dokumento.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa pag review ng kuha ng CCTV nakita ang lalaking naka suot ng blue long sleeve, naka sombrero at naka asul na pantalon. May taas na nasa 5’8 at edad na tinatayang 40-45 anyos , nakapasok ito dahil hindi nakalock ang pinto ng kaniyang opisina.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang mahuli ang salarin.