Pagtibay ng resolusyon sa pagkondena sa Tsina sa WPS, pinasalamatan – Sen. Hontiveros

Pinasalamatan ni Senadora Risa Hontiveros ang kanyang mga kasamahan sa Senado matapos silang magbigay ng solidong boto sa resolusyong kumukondena sa panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Hontiveros, isang tagumpay na maipasa ang resolusyon hindi lamang sa Senado, pati na rin sa bansa.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Dagdag pa ng mambabatas, hindi nagkalayo ang unang resolusyong kanyang hinain sa combined resolution nila ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Kung maaalala, ang orihinal na resolusyong hinain ni Hontiveros ay sinalubong ng oposisyon matapos sabihin ng ilang senador na makakasakit lamang ito sa posisyon ng Pilipinas.