Construction worker, arestado matapos sunugin ang isang bahay sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang construction worker matapos sunugin ang isang bahay sa Purok 8, Brgy. Boñga, Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Sandy”, 38 anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, nakita ng isang nagngangalang Michaela Narvaez ang suspek na sinisindihan ang isang stove sa bahay ni Corazon Esquivel Narvaez gamit ang lighter na naging dahilan ng pagkasunog.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dahil dito, agad silang humingi ng tulong sa mga residente at tumawag ng bumbero upang apulahin ang sunog.

Naaresto rin ang suspek matapos ang insedente.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Napag-alaman na ang nabanggit na suspek ay lango sa alak nang mangyari ang pagsunog sa bahay ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng BFP personnel ang naging pinsala, habang ang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.