P1-B expenses ng NGCP sa advertisements bubusisiin sa Senate Committee on Energy

Iimbestigahan ng Senado kung ipinapasa ba ng National Grid Corporation of the Philippines sa kanilang mga kunsumidor ang gastos nito sa advertisements, public relations, at entertainment.

Ayon kay Senate Committe on Energy chairman Sen. Sherwin Gatchalian ito ang magiging sentro ng pagdinig ng senado na itinakda bukas o kaya ay sa darating na huwebes.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ito ay matapos na matalakay sa pagdinig ng komite kamakailan na gumagastos ang NGCP para sa mga advertisements o mga patalastas.

Nabunyag kasi sa nakaraang pagdinig na umabot sa P1-Billion ang nagastos ng NGCP sa mga advertisement, representation at entertainment mula 2017 hangang 2018.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nabatid na isa ang Pilipinas sa bansa sa Asya na may pinakamahal na singil sa kuryente.