70 bagong kaso at 6 nasawi sa Covid-19, naitala ng lalawigan

SORSOGON CITY – Muling sumipa sa sa kabuuang 298 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ay matapos na maitala nitong nagdaan weekend ang 70 bagong kaso mula noong Sabado hanggang kahapon, Linggo, Hunyo 20.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Maliban pa rito umakyat na sa 113 ang bilang ng mga nasawi makaraang maitala ang 6 na fatalities mula sa mga bayan ng Pilar, Bulan Barcelona at Lungsod ng Sorsogon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa kabuuan umaabot na sa 2,374 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa boung lalawigan habang umaabot naman sa 1,980 ang total recoveries.