Mga nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ngayong Hulyo na kinabibilangan ng mga sanggol walang bakuna ayon sa PESU

CAMARINES NORTE – Walang bakuna ang karamihan sa mga nagpositibo sa Covid-19 sa lalawigan ng Camarines Norte  ngayong Hulyo na kinabibilangan ng mga sanggol.

Kabilang sa mga sanggol na nagpositibo sa sakit ay ang isang buwang gulang mula sa Sta Elena at pitong buwang gulang mula naman sa Daet.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) siyam sa 17 nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan ay walang bakuna habang lima naman ay mayroong bakuna.

Ang iba naman ay walang kumpletong Case Investigation Form kaya hindi mabatid kung bakunado o hindi.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang 17 nagpositibo kung hindi na- admit sa Camarines Norte Provincial Hospital ay nag home quarantine o sa pasilidad ng LGU nagpagaling.

Kabilang sa mga bayan na nakapagtala ng mga kaso ng COVID-19 ngayong buwan ay ang Daet, Paracale, Sta Elena, Mercedes, Basud, San Vicente at Talisay.