Mga ama ipinakita ang galing sa cooking contest

Ipinakita ng mga ama ng tahanan ang kanilang galing sa pagluluto sa isinagawang cooking contest sa Botolan, Zambales.

Sa aktibidad na ito, ipinamalas ng mga ama ng tahanan ang kanilang talento sa pagluluto gamit ang mga gulay mula sa kanilang bakuran.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Layon umano nito na mahikayat ang bawat pamilya na na magkaroon ng sariling gulayan at imulat ang marami na ang pagluluto ay pwedeng gawin ng lahat.

Nasa labing-anim na mga benepisyaryo ng 4Ps sa bayan ang lumahok sa contest sa pangunguna ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) – Municipal Action Team ng Botolan, katuwang ang lokal na pamahalaan, Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Agriculture Office, at Municipal Health Office na may temang Tanim mo, Luto mo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

PHOTO: DSWD Central Luzon